Mga Abnoy na Forum!

Wednesday, November 18, 2009

Nakakaaliw:

Ang forum na ito :))

Eedit ko pa 'to 'pag may nakita pa 'ko hehehe...

The Pakyaw Collection

Thursday, November 5, 2009


































* Photos from various results in Google image search. More to follow!

I wanna know what Love is...

Monday, November 2, 2009

For those who don't know, love is...


LOVE is SEX. Why? Because when you touch, you feel love; when you kiss, you taste love; when you sniff, you smell love; when you are naked, you see love; and when you do it, you make love.
- Motto ng Malilibog


ROMANTIC LOVE and TRUE LOVE make a big difference. One it true and their other is true but it something isolated only Papa Jesus knows why it is so.


ROMANTIC LOVE is something we all need because we are all humans, we live it to survive and propagate like thecursor.com. You configure it, find ways on how to make it work and then it propagates like it never did before. When you succeed, then you will be able to access your domain. It is something that drowns us to do something greater and better everyday; it gives us the freedom to be happy in every steps that we make, it gives us the courage to continue living and most of all, it gives us the strength to face our problems. It also gives as reasons to smile, it gives us something to look forward to, it gives us fun and happiness; it gives us pain and suffering if not made well, it gives us problems - sometimes inconveniences, it gives us tears, it gives us laughter, it gives us all the things we need to live like a human being and at the same time, it also gives us the same thing that destroys us - but once surpassed, builds us into someone better than before like we never did before. Romantic love makes us a real person - someone who can feel, taste, smell and see the happiness and pain around us.


TRUE LOVE on the other hand is something that I've recently realized as the HIGHEST FORM of INFATUATION because when you know that it is true love, the only thing that goes into your mind is to make that person happy even if it means destroying your life just to make sure you give him/her what you think will make them happy.


TRUE LOVE is the highest form of infatuation because when you touch, you don't feel LIBOG; when you kiss, umasa ka na lang ng bonggang bongga dahil hindi mo maiisip na halikan sya; when you sniff, hindi mo talaga maiisip yun tol; when you are naked; ulol asa ka naman na gagawin mo yun diba, wala ngang malice na nararamdaman diba? And when you do it, of course you will never ever do it.
- Motto ng Martir


When you feel it, it is already enough that you see him/her on pictures, it is already enough to see her smile even if it is not you the reason why he/she smiles, it is already enough that you see him/her happy even it is not you that made him/her happy. You will be contented to just seeing them around - feeling their presences and savoring with it until you had enough. Kulang na lang patigilin ang mundo para sa kanila. As in you will do everything to make them happy and safe even if it is not you who is doing it. In short, if they are happy, you are happy; if they are sad, you are sad also. Meaning, you are just recreating a 3D version of their shadows. And mind you, it is not the fun and happiness that you are looking for. It is a fantasy without the real essence of fantasy. It is a dream without dreaming. It is a story without elements. It is a song without a tune. It is tinolang manok without the chicken. It is iced tea without the ice. It is life without the letters that spells it. It is happiness without the smile. It is treasure without the value. It is just merely a postcard which only serves as something that will remind you that somewhere deep within you, you've been tested by God to know if you really are ready and worthy of experiencing the REAL THING!


PAIN. SUFFERING. FUN. HAPPINESS. JOY. HEARTACHES. TRIUMPHS. DEFEAT. VICTORY. DOWNFALL. BLISSFULNESS. AND ALL THAT JAZZ AND SHITS.


So the hell with true love? Only bitches and assholes are worthy of it - and for us; we are all humans to let us all find the right person that will make us happy. . . :-)

Pangalan ng Storm

Friday, October 23, 2009

Nag-usap kami kanina ni Keyti at napagalaman namin n aisa sa mga dahilan kung bakit galit na galit si Ondoy sa atin ay dahil sa PANGALAN na ibinigay sa kaniya ng PAGASA. Biruin mo, dadaan ka na nga lang pangit pa yung ibibigay na pangalan?!


Dahil dyan, we are proposing to PAGASA to change their naming convention of naming typhoons using very Filipino names.

Below are the proposed names for incoming Typhoons next year:

A - Antoinette
B - Barbarra
C - Charlotte
D - Diana
E - Elizabeth
F - Franceska
G - Geneva
H - Helena
I - Ivonne
J - Jemaima
K - Katherine
L - Lilia
M - Margareth
N - Neneth
O - Oprah
P - Penelope
Q - QUEEN Elizabeth
R - Rachel
S - Scarlette
T - Tamara
U - Ursula
V - Veronika
W - Waling-waling
X - Xylirica
Y - Yvette
Z - Zena

Ayan... ngayun dahil magaganda na ang pangalan nila, siguro naman hindi na sila magagalit sa atin at hindi na rin nila tayo babahain ng bonggang pretencious diba? Kasi dahil pa-girl na yung pangalan nila, siguro naman magpapakahinhin yan sa pagdaan diba? Eh kasi kamusta naman yugn Ondoy parang tambay lang sa kalye yan tuloy bonggang bongga ang pananalasa. Tapos si Pepeng pa. Gusto mo bang tawaging Pepeng? Eh paano kung malaki ka eh di Pepeng Malaki tawag sa iyo!

So ayan ha, wag nyo na papalitan nya, so sa 2010 yan na ang gagamitin nyo, tapos sa 2011 lagyan nyo na lang ng 'I' tapos nexct year "II' tapos next year ulit 'III' hanggang sa mga susunod na salinlahi para naman maging royalties yung mga bagyo at lalo silang magpaka-demure. Ayus ba?

Nang ipaayos ni Gloria ang EDSA...

Wednesday, October 21, 2009

Kailan ko hindi maaalala ang mga sandaling unang kang nakilala kung saan tila ang mundo ay wala at tayong dalawa lang ang magsama? Kailan ko hindi maaalala ang mga usapan kung saan tila tayong dalawa lang? Kung saan kahit na saksakan ng ingay ay tila boses mo lang ang nadidinig at naiintindihan? Kailan ko hindi maaalala ang mga katagang nanggaling sa iyong bibig kung saan ang sambit ay ang iyong pananabik... kasabay ang pangalan aking tangi? Kailan ko hindi maaalala ang mga ngiti sa iyong mga labi sabay sa pagbigkas ng bawat letra, salita, pangungusap at tinig na musika sa aking pandinig? Kailan ko hindi maaalalang isipin ang oras na itanong sa akin ang isang palaisipang hindi kayang sagutin; at nang malaman ang kasagutan ay kaya mo nang sagutin? Kailan ko hindi maaalalang ulit-ulitin ang awiting biglang pumapasok sa isipan sa tuwing ikaw ang katabi? Kailan ko hindi maaalala ang mga luha sa dumaloy sa iyong mga mata na kahit kailan ay hindi ko man lang napahid? Kailan ko hindi maaalala ang alala ng alalang lumipas na hindi na maibabalik pa? Ang alaala ng alala ng kahapong nasayang at di na maibabalik pa? Ang alalala ng alala ng bulaklak na papel na naiwan sa gitna na iyong kalungkutan na noon ay nagmakaawang iyong pulutin at gawing pamahid sa bawat luha na dumaloy sa iyong mga mata.

Kailan ko naman kaya maaalala na tuwing ika'y nakikita'y dapat batiin at sabihing ako'y masaya sa lahat ng nangyayari? Kailan ko naman kaya maaalala na huli na at dapat nang kalimutan ang lahat? Kailan ko naman kaya maaalala na ako'y dapat din maging masaya? Kailan ko naman kaya maaalala na muling isulat sa umpisa ang umpisa ng umpisa?

Paalam tunay na pag-ibig. Pinaayos na ni Gloria ang E.D.S.A kaya naman wala nang trapik. Hahahahaha T_T

Glorious and Self Explanatory :D

Friday, October 16, 2009




 
 
 
 
 

Ang Maprinsipyong Pamilya Episode 4

Araw-araw na lang akong nababadtrip sa pagco-commute, at pangarap ko talagang magkaroon ng car. Ang hirap maging mahirap! Kung may kotse lang ako, hindi na ako mapapagod pang tumayo sa mainit na bus papasok sa school. Naaalala ko pa noong sinabi sa akin ni MOM: "Anak, kapag tumama tayo sa lotto, ibibili talaga kita ng isang napakagarang kotse! Bagay sa iyo ang kotseng pula, rosy cheeks ka kasi! At para mas bongga, may driver ka. Dapat yung gwapo para kapag wala na talagang pumatol sa'yo, may mapipikot tayo! Hay anak... sana talaga tumama tayo sa lotto..."

Hanggang sa isang araw, hinihingal si MOM na pumasok sa aming pintuan na malapit nang magiba. Maya-maya ay nahabol na niya ang kanyang hininga at biglang siyang tumili, "Nanalo tayo sa lotto!!! Where REACH na!!!"

Nagtatalon na kami nila kuya at DAD sa tuwa, pero humirit pa si ate, "MOM, it's not REACH; it's RICH!" At pagkatapos ay nakitalon na rin siya at nagsisigaw, "Oh my God I'm so happy we are RICH na!"

"Yes anak!" sabi ni MOM. "Where REACH na talaga! As in one handrid melyon peysoz!"

Hindi na kumibo si ate; tinabla na naman ni MOM ang mga English corrections niya. Pero ang mahalaga nung araw na yon ay MAYAMAN na kami!!!

Ilan pang araw ay nakapag-shopping na sila MOM ng mga mamahaling damit, sapatos, bags, appliances, mansyon at isang Mercedes van for the family. Pero wala pa din yung pinangako sakin na kotseng pula with a gwapo driver! Hindi ko na matiis at tinanong ko na si MOM, "MOM, kailan mo ako ibibili nung pinangako mong car? Yung red na may gwapong driver na pipikutin natin pag wala nang pumatol sakin someday?"

Biglang kumunot ang noo ni MOM at sinigawan ako! "Pinangako ko na nga yun sa'yo, gusto mo pa tuparin ko? Imbyerna ka! Pasalamat ka nga naisip ko yun tapos ipapatupad mo pa sakin? Sobra naman yata yun anak?!"

Na-shock ako, at bigla kong naalala na nanood nga pala si MOM ng SONA ni Glorya kung saan may nagwala na isang reporter at sumigaw: "Ayan ka na naman e, puro ka pangako lahat naman napapako! Ang dami-dami mong plano para hindi na maghirap ang mga Pilipino pero anong ginawa mo? Wala kang tinupad maski isa!"

Sumagot si Glorya at nakangiting sinabi, "May tanong ako sa iyo, iho. Hindi ba magaganda ang mga naisip ko? Hindi ka ba na-inspire sa mga bagay na ipinangako ko?"

"Ayun nga eh, ang gaganda ng plano, ang gaganda nung mga pangako pero wala ni isa ang natupad!" sagot ng reporter.

"Pero ang point dito eh maganda yung mga idea ko. Noh? You should thank me for coming up with bright ideas; I think it's too much to ask of me to MATERIALIZE those ideas! Ako na nga itong nag-effort na mag-isip at magkompromiso, aba, kailangan natin magtulungan! Ako mag-iisip, nasa sa inyo na yun kung gusto ninyong gawin! Basta nagawa ko na yung part ko, ang magbitaw ng pangako! Ako pa ba ang tutupad no'n? It's too much; I may be small but still I'm great. And I may be great but I am only human with limited capabilities. Noh?!"

Napaluha ang mga kongresista at sa sobrang bilib sa pangulo ay nag-standing ovation sila at nagpalakpakan sa loob ng limang oras.

Na-touch din ng husto si Glorya kaya't napaluha na rin siya at sinabing "Thank you, Congress!" sa loob din ng limang oras.